Pagpapatibay sa Makakalikasang Dimensyon ng Ideyolohiya ng KATIPUNAN. Sa araw na ito ay ating inaalala ang ARAW NG MGA BAYANI! Noong Agosto 23 1896 ay naganap ang isang pagpupulong ng Kataas-Taasang, Kagalang-Galangang KATIPUNAN ng mga Anak ng Bayan (KKK) at ipinagtibay ang pagsisimula ng HIMAGSIKAN laban sa Imperyo ng Espanya na sumakop at nagpahirap sa bansa sa higit 300 taon. Sa sumunod na Sabado, ika 29 ng Agosto, pumutok ang himagsikan sa iba’t ibang lugar sa boung Pilipinas. Nabuo ang kasalukuyang bansang Republika ng Pilipinas mula sa paghihimagsik na ito. Ito ang pamana ng 1896 na rebolusyon ng Haring Bayang Katagalugan sa pamumuno ng KATIPUNAN. Nakikiisa ang MAKAKALIKASAN Party (Nature Party Philippines) at ang kilusang PILIPINAS KALIKASAN na ipagtibay at ipaalam sa lahat ang ekolohikal na dimensyon ng ideyolohiya ng KATIPUNAN na sa loob na lumipas na 124 na taon ay di tuwirang naunawaan at ngayon pa lang maaaring tuwirang mabalik at mapagkilusan upang matapos na ang naudlot na REBOLUSYON. Nakilala natin ang KATIPUNAN bilang isang armadong rebolusyonaryong kilusan. Bagamat naipanganak mula sa himagsikang 1896 ang kasalukuyang Republika ng Pilipinas, maraming nagsasabi na ang resbolusyong ito ay isang rebolusyong hindi pa natatapos. Aling parte ba na alam natin sa KALAYAANG sigaw ng himagsikang 1896 ang di pa napapatupad para maituring hindi tapos ang rebolusyon? Mabibigla kayo sa malamang ay hindi nyo alam. Nakikiisa ang MAKAKALIKASAN Party (Nature Party Philippines) at ang kilusang PILIPINAS KALIKASAN na ipagtibay at ipaalam sa lahat ang ekolohikal na dimensyon ng ideyolohiya ng KATIPUNAN na sa loob na lumipas na 124 na taon ay di tuwirang naunawaan at ngayon pa lang maaaring tuwirang mabalik at mapagkilusan upang matapos na ang naudlot na REBOLUSYON. Basahin at unawain ang kopya na ito ng dekalogo ng KATIPUNAN na sinulat ni Gat Andres Bonifacio kung saan malinaw na nakasulat na ang kapakahulugan ng TAGALOG ay kung sino mang tumubo sa kapuluang ito. Noong panahon na yun ang tawag sa ating mga ninuno ay "Indio" na isang mapagmaliit na salita kung kayat hindi ito ang ginamit ng KATIPUNAN. Lalo ng hindi Pilipino o Filipino dahil ito ang tawag sa mga kastilang ipinanganak sa Pilipinas. Sa mga sulat ni Gat Andres madalas nyang ilagay sa baba ng kanyang pangalan ang "PANGULO, HARING BAYANG KATAGALUGAN". Ang mga di nakaka unawa ay nagsabing gustong maging hari ni Bonifacio o di man kaya na ang pinamunuan lang nya bilang Pangulo ay ang mga taga lugar na kung saan ang salita ay Tagalog (sa kasalukuyang panahon ay ang central at bahagi ng Southern Luzon). Parehong mali ito. Kung babasahin ng maingat, ang sinasabing HARING BAYANG KATAGALUGAN, ang "Hari" o kung sino ang may soberenya ay ang BAYANG KATAGALUGAN. O sa ating kasalukuyang konsepto ngayon, “...the people is the sovereign”. Kaya nga sa ating kasalukuyang konstitutsyon ay naguumpisa ito sa katagang, "we, the SOVEREIGN people..." Samakatuwid noon pa man sa panahon ng himagsikan at ng mga KATIPUNAN ay kinikilala na ang konsepto ng soberenya ng mga taong tumubo sa boung kapuluang ito. At mula dito ay mapagtatanto nyo ang isa sa mga pinakamahalagang katotohanang marami sa atin ay di naimulat. Ang salitang TAGALOG ay pina iksing TAGA ILOG o ang mga taong nakatira sa may ilog. Kapareho din ng konsepto ng salitang KAPAMPANGAN o ang mga taong nakatira sa may pangpang (o Bay sa english). O maging ang salitang MARANAO o ang mga tao sa RANAO -- ang Ranao ang kapakahulugan ay lake o people of the lake. At napaka rami pang kahaling tulad na salita na ating ipinangalan sa bawat pamayanan natin. Noon pa man malinaw na ang pagunawa ng mga lider ng KATIPUNAN sa paguugat sa katotohanang ang mga taong tumubo sa kapuluang ito ay may malalim na ugnayan sa ekosistema na syang nagbibigay buhay sa kanila. At kung gusto mo pa talagang palalimin pa ito, mahalagang maalala na ang masidhing sigay ng KATIPUNAN lagi ay ang sigaw ng ‘KALAYAAN’. Sa salitang KALAYAAN ang madalas na naiisip natin na ugat nito ay ang salitang LAYA o Libertad o freedom na noong mga panahon na yun ay konseptong pinaigting ng isa pang naunang rebolusyon-- ang rebolusyon ng mga Pranses para sa Libertad na isa sa tatlong sigaw nilang: LIBERTY, EQUALITY, FRATERNITY. Pero ayon kay Dr Ileto sa kanyang librong PASYON at REBOLUSYON noong mga panahong iyun ang mga diksyunaryong naisulat ay walang salitang LAYA bagkus ang meron lamang na pinaka malapit ay ang salitang LAYAW o ang kaginhawaang natatamasa ng isang anak sa pagaaruga ng kanyang ina. Ang imahe ng ina sa mga literatura ng panahon na iyon ay madalas naidudgtong sa konsepto ng INANG LUPA kung saan tumutubo ang lahat. Samakatuwid, posible kayang nagkamali tayo ng pagtanto na ang sigaw ng KALAYAAN ay di lang simpleng sigaw ng paglaya o libertas kundi sigaw na muling maibalik ang ating relasyon sa isang mapagarugang INANG LUPA? Kung saan lahat tayo ay tumubo. Ganito ba ang dahilan kung bakit sa baba ng unang pahina ng Dekalogo ng Katipunan na isinulat ni Gat Andres, ang sabi nya ay " Ang kapakahulugan ng salitang TAGALOG ay kung sino mang TUMUBO sa mga kapuluang ito". KAMI AY LUBOS NA NANINIWALA AT IDINE DEKLARANG ANG REBOLUSYONG 1896 AY ISANG REBOLUSYONG HINDI PA NATATAPOS HANGGAT HINDI NATIN MAIUGAT AT MAPAGTANTO SA PAGUUGAT NA ITO ANG MAS MALALIM NA KAPAKAHULUGAN NG MGA NINAIS NG ATING MGA NINUNONG NAGBUWIS NG KANILANG BUHAY PARA SA SAMBAYANAN. Sa kasalukuyang panahon ay pagkakamali nating umalis sa ating malalim na ugnayan at relasyon sa mga ekosistemang tunay na bumubuhay sa atin. Ang pagkakamaling ito ay ugat ng halos lahat ng ating mga kasalukuyang problema sa modernong pamumuhay ng ating mga lipunan. Ngayong naabutan na tayo ng mga pagkasirang epekto ng ating mapanirang pagtalikod sa relasyong ito; tulad na halimbawa ng ating tinatamasa ngayon na hirap dahil sa COVID-19 na isang zoonotic disease na dulot ng paglipat ng virus mula sa ilang na hayop patungo sa tao dahil ating sinira ang kanilang mga tirahang ilang o wild habitats at dahil sa illicit trading at consumption ng mga wildlife na ito. Ngayon kaya ay magigising na tayo sa pagkakamaling pagtalikod sa ating pagiging TUNAY NA TAGALOG? Sa ating pagiging tunay na MARANAO? Sa ating pagiging tunay na KAPAMPANGAN? At maraming marami pang kasingtulad na salitang pagpapangalan natin sa ating mga komunidad na maagang kinilala ng mga Katipunan bilang bahagi ng ating pagkakaiba gayung iisa ang kapakahulugan... Amin ding idine deklara mula sa araw na ito na ang Kataas-Taasang, Kagalang-Galangang KATIPUNAN ng mga Anak ng Bayan (KATIPUNAN) ay isang KILUSANG PANGKALIKASAN. Ang obligasyon ng bawat anak ng bayan, ng bawat kasama sa haring bayang katagalugan ay ang tapusin ang rebolusyong sinimulan ng paghihimgasik noong 1896. Ngayon na. Kung kailan kailangang kailangan na. Bago pa mahuli ang lahat. Ang tamang pagtugod noong 1896 dulot ng kasalukuyang kalagayan ng panahon na iyon ay isang armadong himagsikan. Sa kasalukuyang panahon, ang tamang pagtugod ayon sa pangangailangan ng panahon ay hindi armadong himagsikan kundi MAPAYAPANG AKTIBONG PAGKILOS (Active Non Violence) na may kahandaang ialay ang sarili upang mabago ang kalooban ng mga kalabang indibidwal, institusyon, organisasyon at sistemang nagdudulot ng mga pahiram at balakid sa ating mga buhay upang matamasa natin ang LAYAW ng kaginhawaan na dala ng ating maayos na relasyon nating mga TAO sa INANG LUPA o sa kasalukuyang panahon ay sa ating KALIKASAN. Bilang pagtugod dito, inilulunsad ng MAKAKALIKASAN Party at Kilusang PILIPINAS KALIKASAN sa araw na ito, ikaw 124 na taon pagkatapos maumpisahan ang rebolusyon ng Haring Bayang Katagalugan ang KALIKASAN BAYAN-I Volunteer Program na naglalayong magbigay ng plataporma sa muling pagbabalik ng KATAAS TAASANG, KAGALANG GALANGANG. KATIPUNAN NG MGA ANAK NG BAYAN upang matapos na ang naudlot na REBOLUSYON.
Ang salitang BAYAN-I ay pagbibigay diin na ang inuuna natin bago ang sarili na kinakatawaan ng “I” o ako ay ang BAYAN. At ang aking pagiging “I” o ako ay nakabatay sa ating paniniwala at paninindigan kung ano ang “Bayan” o ang SAMBAYANANG MAKAKALIKASAN kung kaya KALIKASAN-BAYAN I Ang “I” sa salitang BAYAN-I ang kapakahulugan din ay ang 3 iminungkahing programa sa loob ng gawaing ito. Ito ay ang sumusunod: I - NSPIRATION -- o ang paghahanap at pagkilala at pagsuporta sa mga mga lokal na MAKAKALIKASANG mga BAYAN-I I - NVOLVEMENT -- o ang mapayapang aktibong pagkilos upang maisakatuparan ang mga panibagong pamamaraan tungo sa isang MAKAKALIKASANG lipunan sa ilalim ng tatawagin nating tawag ng GREEN NORMAL. Kasama dito ang pagkilos sa larangan ng edukasyon at kultura, lalong lalo sa green lifestyle o makakalikasang pamumuhay. Nariyan din ang pagkilos sa panglipunan (social) at pamumuhay (economic) na pamamaraang makakalikasan. At nariyan din ang PAMAMAHALANG MAKAKALIKASAN o ang pagkilos sa larangan ng Green Governance -- kasama na ang pagpasok sa pamahalaan ng isang partidong pang makakalikasan na kakatawa sa ating mga interes ng mga MAKAKALIKASAN. I - NNOVATION -- o ang pagsuporta sa ating mga intelektwal, mga imbentor, mga creative at malikhain, sa ating mga aktibong gumagalaw sa larangan ng edukasyon, sinang, literatura, at katutubong mga pamayanan upang kagyan na makahanap ng mga panibagong, epektibong pamamaraan (sistema, kaalaman, gawi, teknolohiya at i ba pa) o man man kaya ay palawagin at ituro at palaganapin ang mga pamamaraang nandy dyan na mula sa ating mga gawi at kultura (kasama na ang mga kaukulang IKSP - Indigenous Knowledge System at Practices) upang maimbag sa pagtatapos ng REBOLUSYON NG MGA HARING BAYANG KATAGALUGAN. Sa mga gustong tumugod sa mga panawagang ito at gustong sumapi sa muling pagbabalik ng KATAAS TAASANG, KAGALANG GALANGANG, KATIPUNAN NG MGA ANAK NG BAYAN, ang VOLUNTEER PROGRAM na ito ng KALIKASAN-BAYAN I na pinagsamang programa ng MAKAKALIKASAN Party (Nature party Philippines) at Kilusang PILIPINAS KALIKASAN ay ang paunang paraan patungo dito. Sumama na kayo. Sa mga nais maging VOLUNTEER sa pamamagitan ng PILIPINAS KALIKASAN sa gawaing kultura at pagtuturo, panglipunan at pamumuhay (socio-economic), sagutin ninyo ito: https://forms.gle/t11dEoyFsoHe1j8u9 Sa mga nais namang maging VOLUNTEER sa pamamagitan ng MAKAKALIKASAN Party (Nature Party Philippines) sa gawaing adbokasiya, pamamahala (governance) at pulitika (politics) ay dito naman kayo magpalista: https://forms.gle/pdW2Bgej67a7ZSz7A MABUHAY ANG KATIPUNAN. MABUHAY ANG HARING BAYANG KATAGALUGAN! Para sa iba pang impormasyon, makipagugnayan sa Pilipinas Kalikasan Email: [email protected] o www.facebook.com/ph.kalikasan MAKAKALIKASAN Party sa Email: [email protected] o www.naturepartypg.weebly.com Mobile number 0966 3718760
0 Comments
Leave a Reply. |
STATEMENTS
These are public statements of the Nature Party PH (MAKAKALIKASAN) ARCHIVES
April 2023
CATEGORIES
|