PRESS STATEMENT Ika- 12 ng Hunyo 2021 Kaisa ng MAKAKALIKASAN (Nature Party Philippines) ang taumbayang Pilipino tungo sa malaya at umuusbong na bansang may pakialam sa KALIKASAN. Ang tema ng komemorasyon sa araw ng ito ng ika-123 taon ng kasarinlan ng Republika ng Pilipinas na "Diwa ng Pagkakaisa at Paghilom ng Bayan" ay di lamang patungkol sa ating kasalukuyang krisis dulot ng Covid-19 na pandemya kundi mas pa nga dapat sa pagkakaisa at paghilom natin mula sa krisis ng uri ng ating pamumuhay, ekonomya at pamamahala na syang nagdudulot ng mga problema sa kalikasan kasama na ang pandemyang ito. Ang lumalala nating kalagayan sa ating kalikasan na umeepekto na sa ating pang araw-araw na buhay ay nangangailangan ng agarang aksyon. Malaking bahagi dito ay ang pagbawi ng patrimonya nating lahat. Dito ang tunay na pangangailangan ng agarang pagkakaisa at paghilom. Gayung dumadami ang bilang ng mga Pilipinong nakikialam na sa pag proprotekta at pangangalaga sa ating kalikasan, tayo ay nsa isang panahon ng matinding peligro dulo ng pagbabago ng klima (climate change) na nararamdaman na natin ngayon sa Pilipinas. Peligro din and dulot ng iba pang mga problema na dala ng walang tigil na pagkasira ng ating kalikasan. Kasama na dito ang isa sa posibleng pinagmulan ng kasalukuyang pandemya ng COVID-19 virus bilang isang zoonotic disease na maaaring lumipat mula sa ilang na hayop patungo sa tao dulot ng patuloy na pagkasira natin sa kanilang mga tirahan (habitat) at patuloy nating walang pakundangan paggamit (exploitation) sa mga ilang na buhay (wildlife). Gayung maaaring may iba pang pinagmulan ng COVID-19 infection ay siguradong ang zoonotic factor nito ay naging isa din sa dahilan. At lahat ng ito ay umpisa pa lamang dahil ayon sa mga pag aaral ay mas mabilis ang paglala ng epekto ng pagbabago ng klima kumpara sa inaasahan. Gayun din wala pang nakikitang malawakang pagbaliktad ng sitwasyong magbigigay sa atin ng kumpiyansa na ang mga kasalukuyang aksyong ginawa ng buong mundo upang harapin ang climate change ay umeepekto na ng positibo. Ito ay inaasahang lalala pa bago bumuti. Ayon sa pinakamagong ulat ng WMO (World Meteorological Organization), ang kagipitan sa pagbabago ng klima ay lalala pa mula 2025 at pinaka matindi sa mga taong 2040-2050 kung saan ay inaasahan natin ang pagbagsak ng iba’t-ibang ekosistema at kasunod nito ay ang ating mga lipunan kung walang sapat na aksyon na gagawin ngayon. Sa panahon na ito, dapat lamang na bawain ng estado ang patrimonyang para sa ating lahat, kasama ang para sa susunod na salinlahi. Kinakailangan ng bansang Pilipinas na unahin ang seguridad ng kanyang mga likas-yaman dahil inaasahan natin sa buong mundo ay ito rin ang gagawin ng bawat bansa dahil nga sa kasalukuyang walang kasiguraduhan sa pagbuti ng kalagayaan ng ating kalikasan. Ngayong araw ng kasarinlan ng bansa, pinapaalala ng MAKAKALIKASAN na ang kasarinlan sa kasalukuyang panahon ay nangangahulugan ng kakayanan natin bilang isang bansa na PROTEKTAHAN, PANGALAGAAN, PAGYAMANIN at GAWING LIKAS-KAYA and ating mga pambansang likas-yaman (natural resources) at saribuhay (biodiversity). Maliban sa mga masamang epekto sa atin ng pagbabago ng klima nariyan din ang peligro ng exploytasyon ng bansang Tsina sa mga malaking bahagi ng karagatan at mga likas-yaman dito sa West Philippine Seas (WPS). Ang ginagawa na ito ng bansang Tsina ay pumipigil din sa ating mga mangingisda na pakinabangan ang mga yamang dagat na narito. Ito ay kahit pa man naipanalo na natin ang ating "sovereign rights" sa nsa loob ng WPS sa ating pinasok na arbitrasyon sa loob ng UNCLOS. Ang pagbaliktan ni Presidente Duterte sa kanyang unang sinuportahan posisyon laban sa open pit mining at sa muling pagbubukas sa iba pang aplikasyon ng pagmimina sa Pilipinas ay inaasahan ding lalo pang magpapalala sa pagkasira ng ating mga kabundukan, kailugan hangang karagatan at mga sakahang naapektuhan ng pagmimina. Hindi rin magandang senyales ang naging desisyon ng mababang kapulungan ng kongreso na ipasa ang mungkahing bigyan ng karapatan sa 100% pagmamayari ang hindi Pilipino sa ating mga pangunahing public utilities. Naway ay maging matatag ang ating Senado na ito ay kanilang harangin. Sa kasalukuyang panahon ng napakaraming samut-saring krisis ay na ninindigan ang MAKAKALIKASAN na dapat bawiin natin ang ating likas-yamang pantrimonya at ang kontrol sa mga kritikal na serbisyong panlipunan. Ilagay ito sa kamay ng pamahalaan at siguraduhin ang pamahalaan ay may pananagutan sa mamamayan. Upang mangyari ito, naninindigan ang MAKAKALIKASAN at nanawagang ng pagkakaisa at paghilom mula sa bawat Pilipino sa pamamagitan ng mga susunod na aksyon: 1. Pagtutulak sa 10 hanggang 20-taong tuluyang pagpapatigil (moratorium) ng lahat ng uli ng pagmimina sa buong bansa upang makapag pahinga ang ating kalikasan at upang mabigyan ng pagkakataon maipasa ang mga bagong polisiya at makapagtayo ng karampatayang industriya na mailagay sa ayos ang paggamit ng ating mga mineral para sa pambansang kaunlaran at di lamang bilang ore-export para sa ibang bansang nag iinvest dito ng kanilang mga mining operations. Kailangang tuldukan na ang pamumuno ng kasalukuyang pamahalaan sa pag baliktad sa mga posisyong kritikal sa pagmimina na sana ay magandang tuntungan dito sa mas agresibo ng kailangan mangyari sa mining moratorium na ito. 2. Pagbabalik sa pagmamay ari at kontrol sa estado ng lahat ng ating oil and gas na likas yaman upang mai reserba natin ito para sa hinaharap habang inuuna muna ang pagpapaunlad ng ating mga renewable energy sources. Lalong lalo na ang ating mga oil and gas reserves sa Malampaya, Recto bank at sa Liguasan marsh. Gayundin dahil sa panahon nga ng krisis at napipintong paghihigpit ng lahat, kasama na ng ibang bansa ay hindi natin dapat pinapayagan ang tuwirang pagmamay ari at kontrol ng hindi Pilipino sa ating mga kritikal na serbisyong publiko tulag ng public utilities ng kuryente, tubig, komunikasyon at media. Nararapat na muling isa publiko ang mga public utilities na naisapribado; kasama na ang muling pagbabalik sa mga kooperatiba ang mga utilities na naisapribado din.
sabay sabay na igiit ang ating karapatan sa mga pinagaagawang mga teritoryo na ngayon at tuwirang inaangkin ng bansang Tsina. Tinutulak ng MAKAKALIKASAN ang isang ugnayan sa mga bansa sa ASEAN at sa bansang Tsina na mag wawaksi sa solusyon militar sa pag resulba ng krisis na ito. Imbis ay itutulok natin ang mga magkakasamang pagpapaunlad at pangangalaga sa kalikasan ng mga teritoryong ito upang mai reserba sa gamit ng lahat sa kinabukasan. Gayunpaman naiintindihan namin ang pangangailangan sa pagpapalakas ng ating kakayahan ipagtanggol ang ating teritoryo at ang magkasama ng pagpapalakas ng mga bansang ASEAN upang magkaroon ng sama samang kakayanang ipagtanggol ang kanya kanyang teritoryo maging ang pinag aagawang mga bahagi sa harap ng pag aangkin ng bansang Tsina o kung sino pa ang bansa labas sa ASEAN. Sa ganitong paraan ay di tuwirang umaasa lamang ang ating bansa sa suporta ng ating mga Western Allies para sa depensa ng ating sariling teritoryo.
Tayo, ang nakapangyayari ng sambayanang Pilipino, ay kailangan magkaisa at panawagan ng isang Maka Diyos, Makatao, MAKAKALIKASAN at Makabansang pamamahala alang-alang sa mga susunod na salinlahi. Para sa iba pang impormasyon: Ms. Elena Estares Pambansang Tagapagsalita Mobile: 0917 630 6500 Email: [email protected]
0 Comments
Leave a Reply. |
STATEMENTS
These are public statements of the Nature Party PH (MAKAKALIKASAN) ARCHIVES
April 2023
CATEGORIES
|