![]() ABRIL 19 NGAYON. ANO ANG SUSUNOD NA HAKBANG ISANG TAON PAGKATAPOS ANG PAMAMARIL SA MGA KATUTUBONG MANOBO PULANGIHON SA BUKIDNON AT SAMPU NG NAPAKARAMI PANG MGA KATUTUBONG PILIPINO NA PATULOY NA DUMARANAS NG SAMUT-SARING HIRAP AT PAGYURAK SA KANILANG KARAPATAN? April 19, 2023. Isang taon na po mula noong mabaril ang mga miyembro ng komunidad ng Manobo Pulangihon, kasama na kaming mga naging kandidato sa alyansa ng PLM - Partido Lakas ng Masa at mga Makakalikasang mga grupo, kasama na ang Makakalikasan-Nature Party PH noong nakaraang pambansang eleksyon ng Mayo 2022 ng mga security force ng Kiantig Development Corporation (KDC). Maaalala ninyong mapayapa naming sinamahan ang mga sa Butong, Quezon, Bukidnon ang tribuong nito sa kanilang naging desisyon na na muli ng i-ukupa ang lupang ninuno nila na ayaw ibalik sa kanila ng KDC. Marami na pong nangyari mula noon at gayong na isyuhan na ang tribu kamailan lang ng kanilang CADT (Certificate of Ancestral Domain Title) ay mabagal pa ding nausad ang legal na proseso at ngayon ayon kay Datu Anglao na pinuno ng tribu "... 𝓷𝓪𝓰 𝓲𝓲𝓼𝓪𝓷𝓰 𝓽𝓪𝓸𝓷 𝓷𝓪𝓷𝓰𝓪 𝓹𝓸 𝓹𝔀𝓻𝓸 𝓹𝓪𝓽𝓾𝓵𝓸𝔂 𝓹𝓻𝓲𝓷 𝓴𝓪𝓶𝓲 𝓼𝓪 𝓰𝓲𝓵𝓲𝓭 𝓷𝓪𝓷𝓰 𝓴𝓪𝓵𝓼𝓪𝓭𝓪." Puede nyo i-download ang pahayag mula dito: ![]()
![]() Ironic na ilang segundo lamang pagkatapos maitanim ang white flag na ito na simbolo ng mapayapang pagkilos ng mga miyembro ng Tribung Manobo Pulangihon sa naging desisyon nilang mula ng i-ukupa ang bahagi ng lupang ninuno nila na ayaw pabg ibalik ng korporasyong KDC at napilitan silang manirahan ng ilang taon sa highway sa labay ng kalupang ito na pinaulanan kami ng bala ng security force ng KDC. Narito sa picture ang mga lider ng Manobo Pulangihon at kaming naging mga kandidato sa alyansa ng Partido Lakas ng Masa (PLM) at mga makakalikasang grupo kasama na ang Makakalikasan-Nature Party Philippines: Ka Leody De Guzman ng BMP at PLM na tumakbong pagkapangulo, Roy Cabonegro ng Makakalikasan Party na tumakbo bilang Senador at si @David D Angelo ng GPP na tumakbo bilang Senador noong Mayo, 2022 [Panoorin nyo ang video na ito na aktwal na umpisa ng pamamaril at makikita nyong di pataas na warning shot kundi harapang pamamarin sa mga walang armas at di man lang lumalaban. Mabigat po ito sa loob panoorin para sa mga mahina ang kalooban. Warning lang po!: Facebook]
Maraming di nakakaalam na sa araw din na yun ay may isa pang konsultasyong naganap sa Bukidnon sa isa ding napakalaking isyu ng land grabbing at mga pananakit at maging mga pagpatay sa mga miyembro ng katutubong Talaandig sa Bukidnon. At hanggang ngayon, tulad di ng isyu ng mga Manobo Pulangihon at napakarami pang ibang mga Indigenous Peoples, napakarami pa din sa samut saring mga malalalang isyung nagpapahirap sa kanila ay patuloy na di nareresulba at salat sa sapat na proteksyon para sa kanila. Bilang isang umuusbong na partido pulitikal para sa ating kalikasan at mga komunidad na nagaalaga at inaalagaan nito; tulad ng mga katutubong pamayanan, alam namin sa MAKAKALIKASAN-NATURE PARTY PH na ang isa sa malalim na ugat ng mga problemang ito ay ang kahinaan sa pulitikal na impluwensya at kapangyarihan ng mga INDIGENOUS PEOPLES gayong between 17-20M sila at karamihan dito ay mga botante. At dapat hawak nila; ayon sa karapatang kanila na bago pa man nagkaroon ng Republika ng Pilipinas ang malalaking, kritikal na mga kalupaan at katupigan na susi sa ating makakalikasang pag unlad at sapat na pagharap sa kritikal na isyu ng pagbabago ng klima at pagkasira ng kalikasan. Bago matapos ang araw na ito ang pamunuan ng MAKAKALIKASAN PARTY ay maguumpisa ng patuloy na pakikipagusap sa lider ng Manobo Pulangihon at tibung Talaandig sa Bukidnon, sa iba mga mga lider LUMAD ng Mindanao, sa mga lider ng mga tribu sa Palawan, sa mga lider Mangyan sa Palawan, sa mga lider ng Dumagat Remontado sa Rizal na sa mga nakaraang pagkakataon ay nakakausap at nakakapagtulungan na kami kahit paano. Higit dito, sana sa lahat pa ng mga lider ng iba pang mga tribu ng katutubong Pilipino sa buong sangkapuluan ng LuzViMinda di lamang upang patuloy na makatulong sa abot ng aming makakaya sa mga kagyat nilang mga pangangailangan sa suporta ngayon, pero mas kritikal na matulungan silang mapalakas ang kanilang pulitikal na kakayanan upang sa darating na October 2023 SK/Brgy elections. At sa 2025 at 2028 na mga eleksyon ay magkaroon ng sapat na representasyong mulas sa elektoral na proseso ang mga tribung ito sa ating pamahalaan dala dala ang malinaw na interes ng kanilang mga komunidad sa loob at labas ng kanilang ancestral domain at ang malinaw nilang pagsuporta sa mga makakalikasang mga agendang (GREEN AGENDA) pag panlipunan, pang sosyal at kultura, pang ekonomiko at pang proteksyon ng kalikasan at mga samut-saring mga buhay nito. TULOY ANG LABAN. Para sa Kalikasan, sa mga komunidad na bumubuhay at binubuhay nito, sa mga samut saring buhay kasama na ang mga tao at sa mga kritikal na tagapangalaga nito sa loob ng kanilang lupang ninuno -- ang mga KATUTUBONG PAMAYANAN ng LuzViMinda. Roy Cabonegro Pangulo Makakalikasan-Nature Party Philippines Mobile Phone 0966 3718760
0 Comments
Leave a Reply. |
STATEMENTS
These are public statements of the Nature Party PH (MAKAKALIKASAN) ARCHIVES
April 2023
CATEGORIES
|